Negosyante nahulihan ng P36M taklobo

Negosyante nahulihan ng P36M taklobo

June 13, 2022 @ 11:57 AM 2 weeks ago


LAPU-LAPU CITY- Umabot sa P36 milyon halaga ng taklobo o giant clams ang nakumpiska pinagsamang pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 7, 300th Air Intelligence Security Wing Philippine Air Force, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) 7 Fishery Law Enforcement Group at Philippine Coast Guard sa isinagawang entrapment operation laban sa isang negosyante, Sabado sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nadakip na sina Carla Czarina Cañazares Camacho, 41, negosyante, taga Liloan Cebu, at mga trabahador nitong sina si Caryl Yanong, 22, operator sa Vertex 1 Apparel nga taga Purok Iba, Barangay Basak , siyudad sa Lapu-Lapu; Gilbert Monterde JR., 25, assistant warehousemen sa Vertex 1 Apparel; Genesis Diamos, 21, taga Purok Hagdanan, Barangay Carnaza, lungsod sa Daanbantayan; Federick Beloria, 18, taga Purok Tahong, Carnaza, Daanbantayan; Ham Diamos, 20; Freddie Beloria, 19; Esteban Natural Jr., 30, habalhabal drivers; Elier Cañete, 46, boat captain; Alex Baslan, 48, boat crew; Clodualdo Petere Jr., 46, taga Purok Sihi, Carnaza, Daanbantayan; ug Salvador Camino Jr., boat crew.

Ayon kay Police Colonel Ireneo Dalogdog, hepe sa CIDG 7, isinagawang operasyon sa Barangay Tapilon, Daanbantayan, Cebu City.

Nakuha sa mga suspek ang 3,000 kilo o 133 pirasong malaking taklobo na illegal na ibinebenta sa naturang lungsod.

Sinabi ni Dalogdog, unang nakatanggap ng report ang Philippine Air Force hinggil sa illegal na pamimili ni Camacho ng mga taklobo na agad isinailalim sa surveillance at ng magpositibo agad na inilatag ang entrapment operation laban sa suspek.

Nabatid na ibinibenta sa labas ng bansa ang mga taklobo at ginagawang dekorasyon sa mga bahay at malalaking establisyemento.

Nasa P12,000 kada ang kilo ang benta ni Camacho sa mga taklobo na ginawang home décor at ang iba’y mga lamp shed.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act (R.A.) 8550 kun The Philippine Fisheries Code of 1998 as amended by R.A. 10654 (Prohibiting the act of selling, exporting possession of giant clams) ang mga suspek./Mary Anne Sapico