Negosyante patay, 4 iba pa sugatan sa stray bullet, sekyu arestado

Negosyante patay, 4 iba pa sugatan sa stray bullet, sekyu arestado

July 23, 2018 @ 6:59 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Patay ang isang 40 anyos na negosyante habang sugatan ang apat iba pa matapos mamaril ang isang  sekyu ngayong hapon ng Lunes.

Namatay habang nilalapatan ng lunas ang biktimang si Albert So y Lee, may-asawa , businessman nakatira sa  477 Lavezares St., Binondo, Maynila.

Inoobserbahan naman ang mga sugatan na sina Vivian Ilagan, 40, Security Guard; Pinky Loraine Flores y Velasco,  7 anyos; Rosalina Flores, 10, nakatira sa  730 Int 5 Bagong Alay St, Binondo, Maynila at si Jesse Ogalino, 34 ng 713 Elcano Tower III, Binondo, Maynila.

Ayon sa Meisic Police Station, dakong alas-2:20 ng hapon ng maganap ang pamamaril sa harap ng entrada ng iPacific Residence na matatagpuan sa  Lavesares St. Corner Ilang ilang St., Binondo, Maynila.

Arestado naman ang suspek na si SG Jobel Baet ng  Fast Link International Security Agency Inc.  na nakatalaga sa iPacific Residence na matatagpuan sa 468 Lavesarez St corner Ilang Ilang st. Binondo Maynila.

Narekober sa suspek ang  9mm Rock Island Armory cal pistol na may serial number 1796666 model M1911 A1.FS at 1 empty magazine.

Ayon sa pulisya, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang suspek at biktima hinggil sa parking area hanggang sa nauwi sa pamamaril ni Baet sa biktima.

Nadamay naman ang iba oang sugatang biktima nang tamaan ng stray bullet.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)