Negosyante patay sa pamamaril

Negosyante patay sa pamamaril

January 30, 2023 @ 7:45 AM 2 months ago


ANTIPAS, Cotabato- Hindi na pinapasok pa sa loob ng kanyang bahay ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek kagabi sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Rolando Lacorte Mangco, 57, may asawa at residente ng Confessor Street Purok 3A Barangay Poblacion Antipas Cotabato.

Batay sa report ng Antipas Municipal Police Station, dakong alas-6:03 ng gabi nitong Linggo nang maganap ang krimen sa tapat ng bahay ng biktima sa nasabing lugar .

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, papasok na sana sa kanilang bahay ang biktima ng bigla na lamang itong pagbabarilin ng suspek.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek sa patungo sa direksyon ng Sitio Tigmamanok, Barangay Kiyaab ng nasabing bayan.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa suspek para sa agaran ikadarakip. Mary Anne Sapico