Negosyante pinagbabaril patay

Negosyante pinagbabaril patay

September 21, 2022 @ 11:46 AM 2 weeks ago


MIDSAYAP, Cotabato- Patay ang isang negosyante matapos tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek, Martes sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Edwin “Bon-Bon” Sindatok Edzla, 55-anyos at residente ng Datu Piang Maguindanao.

Batay sa report ng Midsayap Municipal Police Station, naganap ang krimen sa Quezon Avenue Barangay Poblacion 5 Midsayap Cotabato.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rolly Oranza, hepe ng Midsayap-PNP, minamaneho ng biktima ang kanyang Isuzu DMax Pickup na may plakang LFJ 269 at binabaybay ang naturang lugar.

Bigla na lamang siyang dikitan ng mga suspek na sakay ng motorsiklo at pinagbabaril gamit ang .45 kalibre na baril sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek. Mary Anne Sapico