Negosyante timbog sa kush sa Malate

Negosyante timbog sa kush sa Malate

December 14, 2021 @ 10:24 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ang isang negosyante nang mahulihan ng tinatayang aabot sa P675,000 halaga ng kush sa isang operasyon sa Malate, Maynila.

Kinilala ang naaresto na si Yogesh Sahjwani Dave, 40, Filipino, residente ng 75 Magallanes Avenue, Makati City.

Ikinasa ang Controlled Delivery Operation, ayon sa MPD-PS 9, sa DB Building sa number Lenery Street, Unit 3C , Malate ng pinagsanib na puwersa mula sa PDEA R0 III-Bulacan, PDEA Bulacan, PDEA Manila DO, BOC at SDEU, na nagresulta ng pagkakaatesto ng suspek.

Nakumpiska sa kanya ang isang light green box na ipinadala mula sa Iris CT Arlington, WA 98223 at nakapangalan sa suspek.

Naglalaman ito ng 15 transparent plastic pack na may mahigit kumulang 500 gramo ng pinatuyong dahon ng Marijuana (Kush).

Kasong paglabag sa Section 4 ng Article ll ng RA 9165 ang inihahanda laban sa suspek at nakatakdang isalanf sa Inquest Proceedings. Jocelyn Tabangcura-Domenden