Negosyante tumumba nang tadtarin ng bala

Negosyante tumumba nang tadtarin ng bala

October 12, 2020 @ 1:00 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Rizal – Patay noon din ang isang negosyanteng lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang salarin na nakasakay sa motorsiklo kaninang umaga sa Marcos Highway, Brgy. Mayamot, Antipolo, City, Rizal.

Kinilala ang biktima na si Arnold Hicarte, residente ng 2257 B Singalong St., Malate, Maynila.

Nakatakas ang suspek, sakay ng NMAX motorcycle na kulay gray, patungong direksyon ng Masinag.

Batay sa imbestigasyon ni  PSSg Ericson Alejandrino ng  Antipolo Police, sakay ang biktima sa kanyang Pajero at nakaparada sa harap ng  Phoenix gasoline station nang sumulpot ang salarin at wala siyang habas na pinagbabaril, bandang 9:30 ng umaga.

Namatay noon din ang biktima sa dami ng tumamang bala ng baril sa kanyang katawan.

Inaalam ng pulisya kung mayroong CCTV camera sa pinangyarihan ng krimen upang makatulong sa paglutas sa krimen. (Maritess Pumaras)


  •  
  •  
  •  

Loading...