Negosyante utas sa riding-in-tandem

Negosyante utas sa riding-in-tandem

June 11, 2022 @ 1:07 PM 3 weeks ago


AMULUNG, CAGAYAN- Dead on arrival sa isang pagamutang ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem criminal sa bayan ng Amulung, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Ronald Garcia Quintos, may asawa, isang negosyante at residente ng Brgy. Catarauan, Amulung, Cagayan.

Dakong alas-7 ng umaga habang nasa harap ng kanyang bahay ang biktima ay nilapitan ito ng mga suspek at pinagbabaril.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang kanang bahagi ng kili-kili ang biktima at itinakbo sa isang pagamutan sa Tuguegarao City, kung saan naideklara siyang dead on arrival.

Ang mga suspek ay nakasuot umano ng helmet at lulan ang mga ito ng motorsiklong Kawasaki Barako, samantalang may back up ang mga ito na isa pang motorsiklo na Honda XRM.

Agad namang nagsagawa ng drag net operation ang kapulisan ng Amulung para sa agarang ikadarakip ng mga suspek. Rey Velasco