Negosyanteng babae, inambush; patay sa Montalban

Negosyanteng babae, inambush; patay sa Montalban

January 18, 2022 @ 5:43 PM 4 months ago


MANILA, Philippines- Isang ginang na negosyante at umano’y kaanak ang mister nito ng isang tumatakbo sa pagka-vice mayor ang namatay sa loob ng Toyota hilux na inambush ng “gun for hire” kahapon ng umaga sa M. H del Pilar St., Geronimo, Brgy., San Rafael, Rodriguez Rizal.

Kinilala ang biktima na si Camille Camacho, nasa hustong gulang at umano’y asawa ng kaanak ng tumatakbong vice mayor na si Edgardo “Umpek” Sison.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-7:40 ng umaga nitong Martes, sakay ang biktima ng minamaneho nitong Toyota Hilux na may plakang MDC-8711 at pinaulanan ng siyam na putok sa driverside ng dalawang suspek na armado ng baril sa M. H del Pilar St., Geronimo, San Rafael.

Nabatid na mula sa bahagi ng East Wood, tinatahak ng biktima ang lugar nang tambangan ito ng mga suspek na pinaniniwalaang “gun for hire” at ilang metro pa itong nagpagewang-gewang hanggang sa bumangga sa isang puno ang nabanggit na sasakyan nito.

Anggulong away sa negosyo ang sinisilip ngayon ng awtoridad at itinanggi na may kinalaman sa politika ang pagpatay.

Naglatag na ng simultaneous checkpoint ang awtoridad at sinamsam na din ang mga CCTV camera sa lugar para sa mabilisang pagresulba sa kaso. Maritess Pumaras