Negosyanteng Bangladesh national patay sa pamamaril sa Pasay

Negosyanteng Bangladesh national patay sa pamamaril sa Pasay

May 6, 2022 @ 2:08 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Binaril at napatay ang isang negosyanteng Bangladesh national habang nahuli namatay ang suspect sa isinagawang follow-up operation ng Pasay City police Huwebes ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa Adventist Medical Center dahil sat ama ng bala sa ulo ang biktima na kinilalang si Hossain Anwar y Reposo, 60, presidente ng DMD boutique na matatagpuan sa 2553 Taft Avenue, Pasay City.

Nahuli naman sa isinagawang follow-up operation ng Pasay City police sa kahabaan ng P. Celle St., Brgy. 75, sa lungsod, ang suspect na si Salik Ditual y Mandapatan, 24, vendor, residente ng Dopn Carlos St., Brgy. 145, Pasay City.

Base sa report na isinumite ni Pasay City police chief P/Col. Cesar Paday-os, naganap ang insidente ng pamamaril dakong alas 8:45 ng gabi sa Taft Avenue, Barangay 89, Pasay City.

Napag-alaman na habang nakatayo ang biktima sa labas ng kanyang boutique ay lumapit ang armadong suspect sa kanyang likuran at pinaputukan ito ng isang beses sa ulo na naging sanhi ng kanyang kamatayan bago tumakas patungo sa destinasyon ng Lions Road.

Makaraang madakip ang suspect kung saan narekober sa kanya ang .9mm na baril na ginamit niya sa pagpatay sa biktima ay umamin ito sa kanyang ginawang krimen at sinabing binayaran siya ng isang alyas Rajav na itumba si Anwar sa halagang P100,000.

Sa kabila ng ibinigay na impormasyon ni Ditual ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya habang inihahanda naman ang isasampang kaso na murder laban sa suspect na kasalukuyang nakapiit sa detention facility ng Pasay City police. James I. Catapusan