Negosyanteng ginang patay sa tandem

Negosyanteng ginang patay sa tandem

July 30, 2020 @ 10:01 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Isang 56-anyos na ginang ang namatay makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Marahan 1, Alfonso, Cavite kaninang umaga.

Base sa report ng Alfonso Police, kinilala ang biktima na si Ng Lai Li, residente ng Brgy. Poblacion, Amadeo, Cavite at may-ari ng Golden Warriors Trading Construction Supply.

 

Nakatakas ang mga suspek, sakay ng isang itim na motorsiklo na Racal, may plakang 5721UO.

Ayon sa imbestigasyon ni P/SSg. Boyet Soriano, may hawak ng kaso, dakong 7:30 ng umaga kanina nang pagbabarilin ng mga suspek ang sasakyan ng biktima na Honda CRV (DAC6137) habang nakatigil sa isang hardware.

Sinasabing galing ang biktima sa bayan ng Amadeo.

Isang saksi ang nag-report sa pulisya ng nangyaring krimen at siya rin ang nagdala sa biktima sa Dela Salle Hospital.

Sinikap isalba ang biktima ng mga doktor ngunit binawian din ng buhay sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Umeskapo ang mga salarin patungo sa direksyon ng General Emilio Aguinaldo, Cavite at inabandona ang ginamit na motorsiklo isang kilometro ang layo sa pinangyarihan ng krimen.

Nakakuha ang SOCO ng limang basyo ng hindi pa malamang kalibre ng baril.

Patuloy ang follow-up operation ng Alfonso PNP sa agarang pagkakikilanlan ng mga salarin at inaalam pa rin ang motibo sa pagpatay. Margie Bautista


  •  
  •  
  •  

Loading...