Negosyanteng lumabag sa batas-trapiko, tiklo sa panunuhol sa mga pulis

Negosyanteng lumabag sa batas-trapiko, tiklo sa panunuhol sa mga pulis

July 14, 2022 @ 7:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Patung-patong na kaso ang kinakaharap ngayon ng isang negosyante na unang naaresto dahil sa simpleng paglabag sa batas trapiko matapos tangkaing manuhol ng P500,000 sa mga tauhan ng MPD-Station 9.

Ayon sa ulat ni Police Lt. Col. Salvador Tangdol, commander ng Manila Police District – Malate Police Station 9, nang iturn over si Mark Rovel De Ocampo sa kanilang presinto ng mga tauhan ng District Mobilized Patrol Unit ng MPD.

Si Ocampo ay nasita ng patrol unit sa panulukan ng San Andres at Quirino Avenue bandang 2:30 ng madaling araw kamakailan.

Sakay ng puting Subaru Sedan ang suspek nang pasukin ang “one way” sa lugar dahilan para siya ay habulin ng mga tauhan ng Patrol Unit.

Nang makorner, napansin ang ilang mga armas gaya ng isang Glock 17 Gen 4 cal. 9mm pistol; pistol magazine; eighteen (18) piraso ng  live ammunition sa kanyang sasakyan.

Habang patungo sa presinto , nagtangka na umanong manuhol ang suspek ngunit mariin niya itong itanggi .

Ilang bugkos ng tig-P1,000 ang isinurender sa presinto at gagamiting abidensya laban sa suspek kasama ang mga armas.

Lumitaw sa ulat ng  pulisya na di-umano’y sangkot ang suspek sa kidnap for ransom.

Ngayon ay  nahaharap na sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition), RA 10883 (The New Anti-Carnapping Act of 2016) and RA 9165 (Comprehensive Drugs Act) at sangkot umano ito  kidnap-for-ransom syndicate. Jocelyn Tabangcura-Domenden