Negosyanteng miyembro ng ‘Lorenzana’ criminal group, timbog sa mga armas

Negosyanteng miyembro ng ‘Lorenzana’ criminal group, timbog sa mga armas

November 30, 2022 @ 3:41 PM 2 months ago


BULACAN – Arestado ang isang 44 anyos na negosyante na umanoy miyembro nang umuusbing na grupo ng kriminal matapos isilbi ang Search Warrant (SW) ng mga awtoridad sa bayan ng San Ildefonso.

Kinilala ni Bulacan Police director PCol. Relly Arnedo ang suspek na si Rico Irabagon, businessman, residente ng Brgy. Anyatam.

Sa report ni San Ildefonso Acting chief of police PLt. Col. Dennis Reburiano, naaresto ang target ng pinagsamang puwersa ng San Ildefonso police, 3rd MP, 2nd PMFC, PECU at PIU bandang 10:50 ng umaga nitong Nobyembre 29 nang ipatupad ang SW sa paglabag sa PD1866 as amended by RA 10591 mula sa RTC Branch 80, Malolos City.

Nakumpiska sa lugar ang Cal. 45 pistol, Cal. 45 magazine, 10 bala, Cal. 45 silencer, Cal. 9mm, 14 bala , 12 gauge shotgun, 6 bala nito, grenade fragmentation MKII, medium size transparent plastic na naglalaman ng 12 sachet na pinaghihinalaang shabu.

Sinasabing si Irabagon ay kilalang miyembro ng Lorenzana Criminal group na umanoy sangkot sa gun-for-hire, gun running, robbery, smuggling at illegal drugs activities. Dick Mirasol III