Negosyanteng si Al Tengco, itinalaga ni PBBM na PAGCOR chief

Negosyanteng si Al Tengco, itinalaga ni PBBM na PAGCOR chief

August 25, 2022 @ 2:47 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang negosyanteng si Alejandro “Al” Tengco bilang chairperson at chief executive officer (CEO) ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ang appointment ni Tengco ay kinumpirma mismo ng PAGCOR sa kanilang press release.

Pinalitan ni Tengco si Andrea Domingo na itinalaga ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong 2016.

Si Tengco ang may-ari ng Nationstar Development Corp. at dating vice mayor ng Malolos, Bulacan.

Ang pagkakatalaga kay Tengco ay matapos pabulaanan ng Malakanyang na itinalaga ni Pangulong Marcos si George Erwin Garcia bilang Pagcor chief.

Samantala, itinalaga naman ni Pangulong Marcos si Atty. Juanito L. Sañosa, Jr. bilang Pagcor president at chief operating officer.

Pinili rin ng Pangulo si dating Cavite Rep. Gilbert Remulla, engineer Francis Democrito Concordia, at Jose Maria Ortega bilang mga miyembro ng Pagcor board of directors.

ibinahagi ni Remulla ang kanyang larawan na nakasuot ng barong sa kanyang official Twitter account matapos ang sinasabing oath taking nito sa Malacañan Palace.

“And so the new chapter begins,” anito sa kanyang tweet.

Si Remulla ay kapatid ni Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla at Cavite Governor Jonvic Remulla. Kris Jose