Neil, nag-emote sa split-up nila ni Rabiya!

Neil, nag-emote sa split-up nila ni Rabiya!

June 5, 2021 @ 2:39 PM 2 years ago


Manila, Philippones – Gabi nitong June 4 nang kumpirmahin mismo ni Neil Salvacion sa kanyang Instagram Stories na hiwalay na sila ni Rabiya Mateo.

“Spreading rumor even without knowing the real story is just too much.”

Hindi raw kinaya ni Neil ang mga negatibong komentong ibinabato sa kanila, “most especially Rab who has worked so hard to avhieve all this.”

Dagdag ni Neil, nag-usap daw sila bago humantong sa desisyong maghiwalay sila, “The real thing is that we’re not together anymore, and we’re both happy with moving on with our lives.”

Pitong taong tumagal ang kanilang relasyon na nagsimula noong nasa college pa sila.

Naniniwala si Neil na inilagay sila ng Panginoon sa ganitong sitwasyon, “for a reason.”

Mas maaga nu’ng araw na ‘yon, nag-post si Rabiya ng larawan kung saan nakadungaw siya sa bintana, kalakip ang caption na: “Praying for stronger spirit and tougher heart.”

Umani ito ng words of love mula kay Miss Universe India (na tinanghal bilang third runner-up) na in-acknowledge naman ni Rabiya. Ronnie Carrasco III