Nene 24 oras na dinonselya ng helper

Nene 24 oras na dinonselya ng helper

March 20, 2022 @ 4:30 PM 3 months ago


BULACAN – Arestado ang isang 18 anyos na helper matapos niyang madonselya ang isang 13 anyos na babaeng naglagalag ng mahigit 24 oras sa bayan ng Pandi.

Kinilala ang suspek sa alyas Greg, binata habang ang biktima ay itago sa pangalang “Arnie”, grade 7 student kapwa residente ng Brgy. Mapulang Lupa.

Sa report ng pulisya,nangyari ang insidente bandang 7:00 ng gabi nitong Biyernes, Marso 18 sa isang village sa nasabing barangay.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon at sa salaysay ng ama ng biktima, umalis ng bahay ang kanyang anak bandang 6:00 ng gabi nitong Huwebes at bumalik ng 7:00ng gabi kinabukasan.

Nang usisain ng ama ay inamin ng 13-anyos na biktima na kasama niya ang suspek at may nangyaring pagtatalik sa kanila sa magdamag.

Dahil dito, agad nagsumbong sa kanilang barangay ang ama ng biktima kaya nahuli ang suspek at isinuko kalaunan sa pulisya.

Nahaharap sa kasong rape o RA 8353 na may kaugnayan sa RA 7610 ang suspek na humihimas ng rehas na bakal sa naturang istasyon. Dick Mirasol III