Nene dedo sa titser

Nene dedo sa titser

June 28, 2022 @ 3:36 PM 2 months ago


QUEZON- Bangkay na nang makarating sa pinakamalapit na hospital ang isang 11 taong gulang na batang babae makaraang aksidente itong mabangga ng Mitsubishi Montero na minamaneho ng isang guro sa Barangay Poblacion bayan ng General Nakar.

Ang biktima na dead on arrival sa sa Claro M. Recto Hospital sanhi ng tinamong mga sugat sa ulo ay kinilalang si Princess Avellaneda, 11, samantalang nahaharap sa kasong homecide ang nasabing guro na nakilalang si Myla Astrera 50, residente ng Barangay Pamploma General Nakar, Quezon .

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng General Nakar Police Station ganap na alas-4:45 ng hapon nang bigla umanong tumawid ang biktima na kung saan hindi na ito naiwasan ng isang paparating na Mitsubishi Montero na may plakang VFE- 7461 na minamaneho ng naturang guro at aksidenteng nabangga nito ang biktima. Ellen Apostol