Nene hinimatay sa takot, ginahasa ng kapitbahay sa Bulacan

Nene hinimatay sa takot, ginahasa ng kapitbahay sa Bulacan

March 29, 2022 @ 4:25 PM 3 months ago


BULACAN -Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 13-anyos na dalagita matapos himatayin sa takot at halayin ng stay-in driver na kapitbahay sa isang bakanteng lote sa bayan ng Pulilan.

Kinilala ang suspek sa alyas na John, 35-anyos habang ang biktima ay itinago sa pangalang “Cindy”, grade 8, residente ng Barangay Tabon.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente bandang 2:00 ng madaling araw nitong Lunes, Marso 28 sa Tambilog, Barangay Lumbac.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon,lumabas ng kuwarto ang biktima para umihi nang marinig ang sipol hanggang sa bumulaga sa harapan ang suspek.

Hinawakan siya ng mahigpit at tinutukan ng kutsilyo sa leeg dahilan para himatayin ang biktima.

Nagkamalay ang latang-lata na biktima sa isang bakanteng lote sa Brgy.Lumbac na umanoy wala ng saplot pang-ibaba.

Nang makauwi isinalaysay ng biktima ang nangyari sa kanyang kaanak na nagsumbong sa pulisya kaya nahuli ang suspek kalaunan.

Nalamang nakatakdang ipa-medico legal para sa genital examination at dadaan sa counseling ang biktima habang nahaharap sa kasong rape in relation to RA 7610 ang suspek. Dick Mirasol III