Nene na nagpapakain ng baboy, binaboy ng kapitbahay

Nene na nagpapakain ng baboy, binaboy ng kapitbahay

March 15, 2019 @ 6:21 PM 3 years ago


Capiz – Sira ang kinabukasan ng isang Grade 8 na 15-anyos na dalagita matapos na halayin ng kapitbahay habang nagpapakain ang kawawang dalagita ng baboy.

Ayon sa report ng Capiz-PNP, nagsumbong sa pulisya ang biktima kasama ang mga magulang nito para ireklamo ang 29-anyos na suspek.

Kuwento ni Rosaine, hindi tunay na pangalan, nagpapakain siya ng kanilang alagang mga baboy nang bigla na lamang siyang niyakap ng suspek at tinutukan ng kutsilyo.

Dinala ng suspek ang biktima sa bukid at dito na ginawa ang pambababoy.

Matapos ang insidente, agad na nagsumbong ang biktima na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na ngayon ay nakakulong sa detention cell ng Capiz Police at nahaharap sa patung-patong na kaso.

Positibo namang ginahasa ang biktima base sa resulta ng medico legal. Mary Anne Sapico