Nene nakaligtas sa 2 manyakol sa ilog Bulacan

Nene nakaligtas sa 2 manyakol sa ilog Bulacan

September 5, 2022 @ 3:29 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Hindi nasiraan ng loob ang 14-anyos na babae nang pagkakagatin niya ang dalawang lalaking kumaladkad sa kanya para pagsamantalahan sa ilog sa bayan ng Bustos.

Kinilala ang naarestong suspek na si Jeffrey Ramos 34, binata, construction worker habang nakatakas naman ang kasamahang si William Jimenez, residente ng Brgy. Cambaog.

Ang biktima ay itago sa pangalang Tamy, estudyante at residente sa naturang lugar.

Sa report ng Bustos police, nangyari ang insidente bandang alas-8 ng gabi nitong Setyembre 4 sa tabing ilog sa naturang lugar.

Ayon sa report, naglalakad pauwi si Tamy nang biglang dambahin at kaladkarin ng mga suspek papunta sa ilog.

Nang makarating sa ilog ay walang kaabog-abog na nilamas ang kanyang dibdib at winasak ang kanyang damit ng dalawang gigil na gigil na suspek.

Dahil dito, pinagkakagat niya ang mga braso ng mga ito na nakayapos sa kanya hanggang sa makatakbo at tuluyang makatakas.

Agad niyang sinabi sa kanyang amain ang masamang nangyari na humingi naman ng saklolo sa mga tanod na mabilis na rumesponde kaya nahuli ang isa sa suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 habang tinutugis na rin ng batas ang nakatakas na kasabwar. Dick Mirasol III