Nene niluray ng janitor sa bakanteng lote

Nene niluray ng janitor sa bakanteng lote

August 19, 2022 @ 4:40 PM 2 months ago


Bulacan- Kalunos-lunos ang sinapit ng 12-anyos na babae matapos halayin kamakailan ng binatang janitor sa bakanteng lote sa bayan ng Hagonoy.

Kinilala ang suspek na si Edy, 35, habang ang biktima ay itinago sa pangalang Zian, kapwa residente ng naturang bayan.

Sa report, nangyari ang insidente bandang alas-10 ng gabi noong Abril 25 at naireport sa pulisya nitong Agosto 17 ng taong kasalukuyan.

Ayon sa report, kasama ng biktima ang kanyang mga kaibigan nang makilala ang suspek sa isang restobar sa bayan ng Paombong.

Nang pauwi na ang biktima ay inalok ito ng suspek na sumakay sa kanyang tricycle nang walang bayad.

Pinaunlakan naman ng biktima subalit nang makarating sila sa bisinidad ng Hagonoy, dinala siya sa bakanteng lote hanggang sa puwersahang hubarin ang kanyang salawal at tuluyang halayin.

Kasabay nito, pinagbantaan siyang papatayin ang kanyang mga magulang sakaling magsumbong ito kanino man.

Lumipas ang ilang linggo nang magkaroon ng lakas ng loob ang biktima para isumbong sa kanyang magulang ang nangyaring insidente.

Sinamahan agad siya ng ama sa pulisya para magreklamo kaya nahuli ang suspek na nahaharap sa kasong statutory rape. Dick Mirasol III