Nene pisak ang ulo sa Montero

Nene pisak ang ulo sa Montero

August 1, 2022 @ 3:32 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Pisak ang ulo ng isang nene nang magulungan ng isang sports utility vehicle (SUV) sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang 3-anyos, residente sa Bisig ng Nayon St., Brgy. 4, ng lungsod.

Sumuko naman ang driver ng Mitsubishi Montero (NDF-6241) na kinilalang si Josephine Garner, 29, call center agent at residente sa Block 6 Lot 6, Tanguile, Brgy. San Vicente, Angono, Rizal.

Bandang alas-3 ng hapon nang maganap ang insidente sa tapat ng isang basketball court na matatagpuan sa kanto ng Bisig ng Nayon St., ng nasabing barangay.

Nasa gilid umano ng kalsada ang batang babae nang masagi ng sasakyang minamaneho ni Garner dahilan upang maipit ang ulo ng batang babae at halos madurog nang magulungan kaliwang unahang gulong ng sasakyan.

Kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide ang haharapin ng suspek. Merly Iral