Nene sinisid ng fish vendor sa Bulacan

Nene sinisid ng fish vendor sa Bulacan

May 4, 2022 @ 1:40 PM 2 months ago


BULACAN – Kalunos-lunos ang sinapit ng 11-taong gulang na babae matapos puwersahang pasukin ang kuwarto niya at pagsamantalahan ng isang fish vendor sa bayan ng San Ildefonso.

Kinilala ang suspek sa alyas “Dennis,” 32-anyos,may-asawa habang ang biktima ay iyinago sa pangalang “Ria” kapwa residente ng Barangay Pinaod.

Sa report ng San Ildefonso Police, isinuko sa kanila ng mga barangay tanod ang suspek nitong Martes, Mayo 3.

Batay sa imbestigasyon, sapilitang pinasok ng suspek ang kuwarto ng biktima hanggang sa pagbantaan at tuluyang halayin.

Nang makarating sa kaalaman ng ina ang nangyari ay agad nagsumbong sa kanilang barangay kaya nahuli ang suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong Statutory Rape habang ang biktima ay dadaan sa kaukulang pagsusuri at pagpapayo ng kinauukulan. Dick Mirasol III

_