Nene, sinuntok, ginahasa ng binatilyo sa Bulacan

Nene, sinuntok, ginahasa ng binatilyo sa Bulacan

April 5, 2022 @ 4:03 PM 3 months ago


BULACAN – Arestado ng mga awtoridad ang 20-anyos na binata matapos umanong suntukin at gahasain ang 15-anyos na dalagita sa kanyang kuwarto sa San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang suspek sa alyas na “Shane”, tubong-Caloocan City habang ang biktima ay itinago sa pangalang “Audrey”, grade 8 student, tubong-Pampanga at residente ng Brgy. Muzon.

Nangyari ang insidente bandang alas-2:00 ng madaling araw nitong Lunes, Abril 4 sa bahay ng biktima.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, habang natutulog ang biktima ay may naramdaman itong humahawak sa  maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Nagulat na lamang siya nang makita ang pamangkin ng bayaw na nasa loob ng kuwarto niya.

Kinompronta niya ang suspek pero walang kaabog-abog ay sinuntok at pinagbantaan siya na papatayin sakaling manlaban ito.

Dahil dito, nagpatuloy ang pang-aabuso ng suspek satakot na dalaga.

Nang makatiyempo, sinabi niya ang nangyari sa kanyang kapatid na babae na agad nagsumbong sa barangay kaya nahuli ang suspek at isinuko sa pulisya kalaunan.

Nakatakdang ipasuri ang biktima sa Regional Crime Laboratory 3 sa Camp Olivas, Pampanga para sa Genital Examination habang ang suspek ay nahaharap sa kaukulang kaso. Dick Mirasol III