Neneng bahagyang humina, magpapaulan pa rin

Neneng bahagyang humina, magpapaulan pa rin

October 14, 2022 @ 1:54 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Bahagyang humina ang Tropical Depression Neneng sa huling ulat ng PAGASA nitong Biyernes, Oktubre 14.

“Neneng is forecast to further intensify while moving over the Philippine Sea and may reach tropical storm category by Saturday evening or Sunday early morning,” ayon sa 11 a.m. bulletin ng ahensya.

Sa kabila nito, inaasahan pa rin na magpapaulan ang bagyo sa Hilagang Luzon bukas at sa Linggo.

Batay sa ulat, huling namataan ang sentro ng bagyo 835 kilometro silangan ng extreme Northern Luzon taglay ang lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras at pagbugso na 55 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong west-southwestward sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Inaasahan dadaan ito malapit sa Babuyan Island o Batanes pagsapit ng Linggo at makalabas ng Philippine Area of Responsibility pagsapit naman ng Lunes. RNT/JGC