Neneng ginawang sex slave ni tatay

Neneng ginawang sex slave ni tatay

December 13, 2022 @ 11:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Dinakip ang isang 37-anyos na lalaking hiwalay sa asawa matapos na umano’y kunin sa asawa para gawaing parausan ang sariling menor-de-edad na anak na babae sa Valenzuela City.

Ibinalibag sa selda nitong Disyembre 11 si alyas “Rod,” na sinimulan umanong gahasain ang 16-anyos na anak na itinago sa pangalang “Sara” nang kunin niya ito sa kabiyak.

Dala ng takot sa kanyang tatay, ilang ulit pang pinagpasasaan ng manyakis na si Rod ang bubot pang katawan ni Sara, na ang pinakahuli ay naganap noon lamang Mayo 3

Nang hindi na matiis ni Sara ang kahayupan ng kanyang tatay ay nagsumbong na ito sa isang tiya, na dumulog sa pulisya na siyang sumagip sa kanya noong Agosto 8, at naglipat sa kanya sa kustodiya ng City Social Welfare & Development Office ng Valenzuela. Merly Iral