Neneng tumama na sa Calayan, lumakas pa

Neneng tumama na sa Calayan, lumakas pa

October 16, 2022 @ 7:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Lumakas pa at isa nang severe tropical storm ang bagyong Neneng makaraan mag-landfall sa Calayan Island, Cagayan.

Ito ay ayon sa 5 a.m. bulletin ng PAGASA, Oktubre 15 kung saan huling namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Calayan Island taglay ang lakas ng hangin na 95 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na 115 kilometro kada oras.

Tinatahak nito ang direksyon west northwestward sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal number 3 sa mga sumusunod na lugar:

Southern portion of Batanes (Basco, Mahatao, Uyugan, Ivana, Sabtang)

Babuyan Islands

Nasa ilalim naman ng Tropical Cyclone Wind Signal number 2 ang mga sumusunod na lugar:

Rest of Batanes
Rest of Cagayan
Apayao
Northern portion of Abra (Tineg, Lacub, Lagayan)
Ilocos Norte

Samantala, Tropical Cyclone Wind Signal number 1 naman ang itinaas sa:

Northern and central portions of Isabela (Santa Maria, San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Delfin Albano, Mallig, Quirino, Gamu, Roxas, San Mariano, Benito Soliven, Naguilian, Burgos, Reina Mercedes, San Manuel, Aurora, Luna, Cabatuan, San Mateo, Dinapigue, City of Cauayan)

Kalinga
Rest of Abra
Mountain Province

Northern portion of Ifugao (Aguinaldo, Alfonso Lista, Mayoyao, Hungduan, Banaue)

Northern and central portions of Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, Bantay, City of Vigan, Santa, Caoayan, Narvacan, Nagbukel, Santa Maria, San Esteban, Santiago, Burgos, Banayoyo, Lidlidda, San Emilio, Quirino, Gregorio del Pilar, Galimuyod, City of Candon, Santa Lucia, Salcedo, Cervantes, Suyo, Sigay, Santa Cruz)

Ngayong araw ay makararanas ng heavy to intense at times torrential rains ang mga probinsya ng Apayao, Ilocos Norte, northern portion ng Cagayan, Babuyan Islands samantala moderate to heavy at times intense rains naman ang inaasahan sa Abra, Kalinga, northern portion ng Ilocos Sur at rest of Cagayan.

Abangan ang susunod na weather bulletin pagsapit ng alas-8 ng umaga. RNT/JGC