Nepal flight na may 22 pasahero nawawala

Nepal flight na may 22 pasahero nawawala

May 29, 2022 @ 4:15 PM 4 weeks ago


ISANG eroplano ang napaulat na nawawala sa Nepal sakay ang nasa 22 pasahero.

Ayon sa airline, alas-9:55 nang mag-take off ang Twin Otter aircraft sa kanlurang bayan ng Pokhara at papunta sana sa Jomsom nang bigla na lamang nawalan ng kontak dito ang air traffic control.

Ayon kay Sudarshan Bartaula, tagapagsalita ng Tara Air, sakay ng domestic flight ang 19 na pasahero at tatlong crew members.

Sabi ni Phanindra Mani Pokharel, tagapagsalita naman ng Ministry of Home Affairs, nag-deploy na sila ng dalawang helicopter para sa search operation.

Pahirapan naman ang paghahanap sa eroplano dahil sa mababang visibility bunsod ng masamang panahon.

Ang Jomsom ay isang sikat na trekking destination sa Himalayas na 20 minuto ang layo mula sa Pokhara kung babiyahe sakay ng eroplano.

Nabatid na ipinagbawal na ng European Union ang lahat ng Nepali airlines sa kanilang airspace dahil sa safety concerns. RNT/ JCM