Neri, naawa sa mga empleyado, buong salon binili!

Neri, naawa sa mga empleyado, buong salon binili!

September 7, 2022 @ 7:20 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Talk about one’s heart which goes out to the needy.

Ganito mayroon si Neri Naig, misis ng Parokya ni Edgar frontman at isa sa mga hurado ng Idol Philippines na si Chito Miranda.

On top kasi ng mga naipundar na negosyo at ari-arian ni Neri, ang latest addition ay isang salon.

For sure, curious ang publiko how it came about.

December last year nang magawi si Neri sa isang salon sa Tagaytay.

Siyempre, hindi mawawala ang tsikahan on the side with the salon staff.

Nabanggit ng staff na nanganganib daw magsara ang pinagtatrabahuhang salon.

Marahil ay bunga pa rin ito ng pandemya. Hindi pa lubos na nakakabangon ang may-ari ng salon.

Sa awa sa mga tauhan na mawawalan ng trabaho, kinausap ni Neri ang may-ari.

Nakipag-haggle siya sa presyo.

After a few months, presto, si Neri na ang bagong salon owner na iniba lang ang pangalan.

Balak ni Neri na bukod sa nag-iisang branch na ‘yon sa mall ay magtayo pa ng ilang sangay sa Cavite.

In the world of showbiz, producing movies answers the need to provide employment opportunities para sa mga manggagawa sa industriya.

May kakaibang bersyon naman si Neri para makatulong.

Isn’t Chito lucky to have a wife like Neri? Ronnie Carrasco III