Netflix and Chill Friday!

Netflix and Chill Friday!

July 15, 2021 @ 10:05 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Mapapa-TGIF ka sa dami ng pelikulang irerelease sa Netflix at sa iba pang streaming platforms ngayong Biyernes, Hulyo 16, 2021!

Una sa listahan para sa genre na thriller ay ang pelikulang “Escape Room: Tournament of Champions”; part two ng Escape Room film series. Ang mga survivors sa nakaraang laro ay haharap sa panibago at mas nakamamatay na mga patibong. Ito ay pinagbibidahan nina Neal H. Moritz, Logan Miller, Taylor Russell, Adam Robitel, Bragi Schut, Holland Roden, Indya Moore, at Thomas Cocquerel. 

Kung mahilig ka naman sa mga kwentong katatakutan, abangan mo ang pelikulang “Fear Street Part Three: 1666” na isang dokumentaryo at horror movie na ibabalik ka sa nakaraan. Sa taong 1994, susubukang alisin ng grupo ng mga kabataan ang sumpa na bumabalot sa kanilang lugar. Isang sumpa na binitawan ng mangkukulam upang multuhin ang bayang ito sa mga susunod na sandaang taon. Bida rito sina Kiana Madeira, Gillian Jacobs, Leigh Janiak, Ashley Zukerman, at Silka Luisa.

Hindi rin papahuli ang “Out of Death” na pagbibidahan nina Bruce Willis, Bill Lawrence, Lala Kent, Mike Burns, Michael Sirow, at Jaime King. Isang action movie na puno ng adventures at plot twists! Isang korap na Sheriff mula sa departamento ng bayang rural ang magsasagawa ng maitim na plano ngunit may babasag ng katahimikan at sisira sa kanilang operasyon. Sino kaya ito?

Isa pa sa dapat abangan na action movie ang “Die in a Gunfight” magkakahalong aksyon, adventure at loveteam ang tema ng pelikulang ito. May dating magkasintahan na muling magkukrus ang landas. Ngunit magiging halo-halo ang mga tagpo at maaaring mauwi ang eksena sa katakot-takot na patayan! Pagbibidahan nina Alexandra Daddario, Emmanuelle Chriqui, Olivia Munn, Justin Chatwin, Diego Boneta, Travis Fimmel, Jason Barrett, at Mark Gordon.

At kung gusto mo naman ng kakaibang timpla ng komedya, subukan mong panoorin ang “How to Deter a Robber”. Tungkol naman ito sa isang krimen na may halong dark comedy. Magkakaroon ng engkwentro sa pagitan ng magkasintahang walang muwang at mga beteranong magnanakaw ang magaganap sa malungkot at mapanglaw na bayan ng North Wisconsin. Ano kaya ang kanilang gagawin upang makatakas sa di inaasahang kaguluhan? Sina Vanessa Marano, Maria Bissell, Benjamin Papac, Abbie Cobb, Sonny Valicenti, Jonah Ray, Chris Mulkey, at Gabrielle Carteris ang mga bibida sa pelikulang ito.

Available rin ang tickets nito online! Kung gusto mo namang mapanood ang mga teasers, bisitahin lamang ang mga sumusunod na link:

Teasers:

Escape Room: Tournament of Champions – https://bit.ly/3e7U9pm

Fear Street Part 3: 1666 – https://bit.ly/3yQ9uCC

Out of Death – https://bit.ly/2T9UEYM

Die in a Gunfight – https://bit.ly/3klSxwf

How to Deter a Robber – https://bit.ly/3r7U7D1

Marami ka pang dapat abangang upcoming movies para masulit ang Friday mo! Kaya naman mag-set ka na ng movie marathon with friends at panoorin ang mga pelikulang ito! -RNT/Ethel Mangao – trainee


  •  
  •  
  •