Netizen curious kung beki si Tom; Carla, nag-thumb’s up!

Netizen curious kung beki si Tom; Carla, nag-thumb’s up!

March 1, 2022 @ 6:05 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Kapansin-pansin na wala mang direktang berbal na reaksyon si Carla Abelana sa mga anti-Tom Rodriguez posts ng mga netizens ay panay naman ang like niya sa mga ito.

Gaya na lang ng isang post ng netizen na, “True ba na gay si Tom?”

Ito’y bilang reaksyon sa post ni Carla.

Isang simpleng like lang ang ginawa ni Carla, bagay na agad napansin. Bakit nga naman ni-like niya ang post na ‘yon when she could have easily come forward to defend her husband as a sign na hindi siya sang-ayon sa sinabi ng netizen.

Earlier, may ni-like na rin si Carla na post which read: “Guwapo nga, hindi naman honest.”

Obyus na patungkol ‘yon kay Tom, na parang sinang-ayunan na rin ni Carla by liking the post.

Sa halip na ni-like ni Carla ang mga anti-Tom posts, why doesn’t she simply explain her side?Bakit hindi niya makuhang depensahan ang asawa?

Or kung talagang she feels na may katotohanan ang mga anti-Tom posts, hindi raw ba mas maganda kung dedma na lang ang aktres?

To this day, hindi pa nagpapaliwanag ang couple sa tunay na estado ng kanilang pagsasama. Ronnie Carrasco III