Netizen, hinamon si Derek ng ‘talong’ reveal!

Netizen, hinamon si Derek ng ‘talong’ reveal!

February 2, 2022 @ 8:08 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Iba’t iba talaga ang pananaw ng mga tao.

A case in point ay ang video na ipinost ni Ellen Adarna sa Instagram kung saan kinukunan niya ang asawang si Derek Ramsay habang naliligo.

Maririnig sa background ang malakas na tawa ni Ellen na sumigaw pa ng, “So sexy!”

Nakapagbitaw tuloy ng pabirong reaction si Derek na, “Buwisit!”

Bagama’t marami ang naaliw ay marami rin ang pumuna kay Ellen.

Ang mga ganun’g eksena raw sa banyo’y hindi na ipino-post but for private consumption.

To which sagot ni Ellen: “Our life, our rules, our IG!”

Still another netizen commented, “Imagine if it’s you” addressed to Ellen, ano raw ang mararamdaman nito?

Buwelta ni Ellen, “Oh, he also does it to me. All is fair!”

Pero maraming netizen ang may pagka-naughty na with their request. Bandang likod lang kasi ni Derek ang nahagip sa video.

Sey nila, “Talong reveal naman diyan!” May gumamit pa ng terminong “oten” na sana raw ay ibuyangyang ng Fil-British actor para malaman kung totoo ngang well-endowed ito.

Hindi na ‘yon nireplayan ni Ellen. Ronnie Carrasco III