Netizen, hindi natawa sa ‘prangkisa joke’ ni Joey!

Netizen, hindi natawa sa ‘prangkisa joke’ ni Joey!

March 13, 2023 @ 8:21 AM 1 week ago


Manila, Philippines – Naging insensitive nga ba si Joey de Leon sa kanyang comment sa segment ng Eat Bulaga na Bawal Judgmental?

Panauhin kasi ng programa sa March 11 episode nito ang CEO at national director ng Miss Queen International Philippines.

Nilinaw ng naturang guest na sila lang ang nakakuha ng prangkisa o exclusive rights to the said pageant title.

Nakahanap tuloy ng window of opportunity si Joey para humirit ng may kaugnayan sa franchise.

Banat ng pioneer host: “Buti pa kayo, may prangkisa!”

Para disimulado nga naman ay sinalo agad ‘yon ni Jose Manalo.

Ani Jose, ang dami nga raw bus ang nawalan ng prangkisa noong kasagsagan ng pandemya.

Nahagip din ng camera ang reaksyon ni Maja Salvador sa tinuran ni Joey.

Base sa facial expression nito’y hindi ito natawa, bagkus ay halatang nagulat.

Kung ang mga tagapanood ng EB ang tatanungin, kahit hindi aminin mismo ni Joey ay may laman ang komento niya.

Wala siyempreng puwedeng isipin na pinariringgan si Joey kundi ang ABS-CBN na alam naman ng lahat ay hindi pinagkalooban ng prangkisa noong July 2020.

Isang netizen tuloy ang nag-react, “Kung nagpapatawa si Joey, puwes, hindi siya nakakatawa!”

Still another netizen pointed out Joey’s insensitivity gayong aware naman ito na maraming nawalan ng trabaho when the station was denied its petition to obtain franchise.

Sabi pa ng isa, sana man lang daw ay isinaalang-alang ni Joey ang presensya ni Maja na dating Kapamilya star na posibleng nasaktan sa comment ng host-comedian.

May ilan namang dumepensa kay Joey na kilala na pagdating sa mga ganoong biro.

Samantala, kinontra ni Star Magic head Lauren Dyogi ang obserbasyon ng marami na natuldukan na ang network war.

Dyogi acknowledges the fact na hindi na matatawag na network ang ABS-CBN dahil sa kawalan ng prangkisa.

“We are only a content creator,” sabi ni Dyogi although masaya siya sa mga collaborative undertakings ng GMA at ng ABS-CBN. Ronnie Carrasco III