Netizens, approve sa real life relationship nina Hyun Bin at Son Ye-jin!

Netizens, approve sa real life relationship nina Hyun Bin at Son Ye-jin!

January 13, 2021 @ 1:54 PM 2 days ago

  •  
  •  
  •  

Seoul, South Korea – Hinangaan at kinakiligan sa South Korea at sa maraming bansa, kabilang na sa Pilipinas, ang love team nina Hyun Bin at Son Ye-jin sa seryeng “Crash Landing on You.”

 

Ngayon ay mag-sweetheart na sila sa tunay na buhay. At ang balitang ito ay hindi lang pang-promo dahil wala namang proyektong pinagsasamahan ang dalawa sa ngayon.

 

Pagtatapat ni Son Ye-jin  sa kanyang Instagram: “I’m not sure what I should say, but I thought I should at least say something to all of you…

 

“It feels awkward and strange. I’m thankful to have been able to meet a good person, and I’ll work hard to tend [the relationship] with care …’’ 

 

Sa wikang South Korean n’ya isinulat ‘yan pero isinalin sa Ingles ng Soompi, isang news agency na ang espesyalidad ay K-pop at K- drama. 

 

Kinatigan naman ng respective management agency nila ang nabuong relasyon ng dalawa.

 

Pahayag ng Vast Entertainment, ang agency na namamahala sa career ni Hyun Bin: “We ask that you look warmly upon their relationship and cheer them on in the future.” 

 

Ang handler naman ni Son Ye-jin, ang MS Team Entertainment ay nagpahayag na: “The pair got to know each other through their acting projects and, after the end of [“CLOY”], they developed an interest in each other and ended up dating.” 

Nu’ng Pebrero pa, last year, sila nagsimulang mag-date bagama’t sa simula ay lagi nilang kasama ang iba pang naging kapwa cast member ng “Crash Landing On You.” Sa paglaon ay ‘yung dalawa na lang ang nagdi-date.

 

Kabilang sa pagdi-date nila ay ang paglalaro ng golf. 

 

Kinikilig naman ang mga netizens sa namuong relasyon nina Hyun at Son.

Trending sa social media ang post ni Son Ye-jin. Lagpas na sa isang milyon ang nag-like sa post n’ya. Danny Vibas


  •  
  •  
  •  

Loading...