Netizens, hati ang opinyon sa pagtatapos ng Ang Probinsiyano! 

Netizens, hati ang opinyon sa pagtatapos ng Ang Probinsiyano! 

August 4, 2022 @ 11:18 AM 4 days ago


Manila, Philippines – Totoo na talaga! Dumating na ang panahon nang pagtatapos ng Ang Probinsyano at ng huling laban nina Cardo (Coco Martin) at ng Task Force Agila.

Sa teaser ng Kapamilya channel, tinawag nila itong, “FPJ’s Ang Probinsyano: Ang Pambansang Pagtatapos.”

Aniya, malungkot man siya sa pagtatapos ng kanilang serye, nagpapasalamat siya sa mga taong tumangkilik at sumuporta sa kanila.

Matatapos na kasi ang naturang serye sa loob ng dalawang linggo na tinawag nilang ang pambansang pagtatapos

Ang naturang serye ay umabot ng pitong taon na unang namayagpag sa ere noong September 28, 2015.

Sa ngayon ay hati ang opinyon ng mga netizen sa pagtatapos ng Ang Probinsiyano. May mga netizen na nagpapasalamat dahil hindi na raw mada-drag ang istorya para humaba pa ang serye. TH na raw kasi ang dating ng pagpapahaba nito na very obvious ang dating.

May ilang netizen naman ang nagsasabi na mami-miss nila ang serye lalo’t naging habit na nila ang panonood ng Ang Probinsiyano.

Ang Darna ni Jane de Leon ang papalit sa time slot na iiwanan ng serye. Mercy Lejarde