Netizens, ipinilit na kasuhan si EJ; Bugoy, dumipensa!

Netizens, ipinilit na kasuhan si EJ; Bugoy, dumipensa!

June 29, 2022 @ 9:21 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Hindi na napigilang magsalita ulit ni Bugoy Cariño tungkol sa issue ng “grooming” na ginawa ni EJ Laure sa kanya.

Iginigiit pa rin kasi ng netizens na dapat kasuhan si EJ matapos nitong gawing ama si Bugoy at the age of 16 habang siya naman noon ay 21.

Sa interview ni Bugoy sa vlog ni Karen Davila, aminado ito na aware siya sa mga negatibong komento ng netizens tungkol sa relasyon nila ng volleyball player.

“Nakikita ko po ‘yung mga sinasabi ng mga tao na dapat kasuhan si EJ, kasi nga minor ako. Hindi naman po sila ‘yung magkakaso, eh, dapat ako ‘yung magkakaso kay EJ kasi ako ‘yung minor. Pero pinili ko na, gusto ko maging masaya na lang. Gusto ko na maging parte ng buhay ko si EJ. Sobrang mahal ko si EJ,” saad nito.

As usual, inulan na naman ng pambabatikos si EJ pero mukhang sanay na ang dalawa dahil simula nang isa-publiko nila ang kanilang small family, hindi na talaga sila tinantanan ng netizens.

Pinagtanggol ni Bugoy si EJ pero hindi pa rin niyo naiwasang mapa-senti nang alalahin niya kung paanong habang nasa peak ito ng career niya ay biglang nawala ang lahat nang maging ama na siya.

“‘Yun ‘yung time na parang ‘yung career ko is pataas na nang pataas so parang na-confuse ako sa sarili ko. Naisip ko na parang ang aga pala talaga. Nawala lahat sa akin,” pagbabalik tanaw ni Bugoy.

Patuloy man ang bashing, umaasa at naniniwala pa rin naman si Bugoy na in time ay titigil din ang mga ito at magbabago ang isip.

“‘Wag mo na pansinin. Pagdating naman ng panahon, wala na ‘yan eh. Magbabago na din isip nila.”

16 years old si Bugoy, taong 2018 nang maging tatay ito sa anak nila ni EJ na si Scarlet pero September 2020 na nila ito inanusyo sa publiko. Paula Jonabelle Ignacio