Netizens kay Ana: Kit gantihan

Netizens kay Ana: Kit gantihan

June 14, 2022 @ 10:56 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – “To err is human, to forgive is divine.”

Ito ang mensaheng gustong ipaabot ni Ana Jalandoni, na sinabing napatawad na raw niya ang dating nobyong si Kit Thompson pero hindi niya iuurong ang kasong isinampa laban dito.

Naghabla ng kaukulang demanda si Ana bunsod na kasong pananakit ni Kit sa kanya ilang buwan na ang nakalipas.

Yes, may puwang sa puso ni Ana ang pagpapatawad niya.

Katwiran niya, ‘yun daw ang tanging paraan para maka-move on siya.

As opposed to Kit, abala sa Ana sa kaliwa’t kanang film projects.

Si Kit ay balitang tinanggal sa original cast ng dalawang pelikula.

Suportado rin si Ana ng kanyang talent agency, ang Cornerstone na ewan kung anong ginawang sanction kay Kit na alaga rin nito.

The way we see things, ito ang pambawi ni Ana sa tinamong injustice.

Hati naman ang reaksyon ng netizens. May ilang nagsasabi na hindi dapat pinatawad ni Ana si Kit. May nagsabi pa na dapat ay maghiganti si Ana sa ex.

Oh, well…Ronnie Carrasco III