Netizens nadugyutan kay Kobe!

Netizens nadugyutan kay Kobe!

September 22, 2022 @ 11:19 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – A tattoo on one’s body is supposedly a work of art.

Pero hindi raw sa kaso ni Kobe, anak ng retirado nang basketball player na si Benjie Paras.

Kamakailan ay nagpost ang nobya nitong si Erika Poturnak, anak ni Ina Raymundo, ng kanilang cozy photos ni Kobe.

Marami ang kinilig at nainggit sa sweetness ng dalawa.

Sa katunayan, ibinabalik daw ng mga larawan na ‘yon ang masaya at carefree na bahagi ng kanilang kabataan.

Kaso, hati ang opinyon ng mga netizen sa maganda nga pero tadtad naman ng tattoo na katawan ni Kobe.

Sa dami raw kasi ng mga ito’y mukha nang maruming tingnan.

Bagama’t maituturing na body art daw ‘yon ay may binabagayan ang tattoo.

Bakit daw pumayag ang ama ni Kobe na si Benjie na magpa-tattoo ang anak?

Para sa marami, mas napapansin tuloy ang mga tattoo ni Kobe kesa sa kaguwapuhan nito.

Baka naman ‘yun ang bet ng dyowa niya? Ronnie Carrasco III