Netizens, nag-alala sa dahon ni Yassi!

Netizens, nag-alala sa dahon ni Yassi!

March 6, 2023 @ 8:35 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Agaw-pansin ang napakalaking dahon na ginamit ni Yassi Pressman sa mga kuhang larawan niya.

But before your naughty minds get the better of you, nakadamit naman si Yassi at hindi in her naked glory.

Nagpahayag agad ng concern ang mga netizens upon the sight of the huge leaf covering Yassi’s front.

Tinukoy ng mga netizens na pamilyar sa halaman ang dahon bilang badjang.

Nakakalason daw ito, at nagdudulot ng pangangati sa katawan.

Pangamba nila, baka malason o mangati si Yassi.

But Yassi was quick to assure them na meron daw silang badjang sa bahay.

In fact, the said plant abounds in their garden na kung may oras din lang siya’y hinaharap niya ang paglilinis ng kanilang hardin.

Ipinakita pa nga ng TV host-actress sa video na napapaligiran siya ng badjang.

“Guys, thank you for all your concern,” ani Yassi na hindi raw maimadying sa simpleng pag-pose niya nang may malaking dahon ng badjang ay nataranta ang mga netizens na nagmamalasakit sa kanya.

Dagdag assurance pa ni Yassi, so far daw ay wala naman siyang nararamdamang pangangati sa katawan, at lalong hindi siya nalason nito.

After aĺl, ginamit lang naman niya ang ornamental plant na ‘yon sa kanyang pictorial.

Dapat lang munang busisiin ang mga larawang ‘yon dahil sa biglang tingin ay aakalain mong dahon lang ang nakatakip sa hubad na katawan ni Yassi.

Parang si Eba lang sa paraiso ng Eden ang peg!

In a sense, nakakalason ng isip ang mga litratong ‘yon ni Yassi at hindi ang mismong badjang! Ronnie Carrasco III