Netizens nagpa-abot ng panalangin sa na-injured na si Alyssa Valdez

Netizens nagpa-abot ng panalangin sa na-injured na si Alyssa Valdez

August 13, 2022 @ 6:21 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nahirapan ang  sa laro ang Creamline na nagresulta rin sa pagka-injured ni team captain Alyssa Valdez kung saan lumabas ito ng court sa ikatlong set.

Nawalan din noon ng spiker ang Cool Smashers na si Jema Galanza masaktan ang kaliwang hintuturo nito.

Nagchecheer n alang ito para sa team sa bench, kung saan pinalakpakan din ito ng netizens dahil sa suporta nito kahit hindi siya nakalalaro.

Dahil nawalan ang Creamline ng spiker, natalo ang  Creamline sa limang set kontra sa KingWhale Taipei  sa iskor na 25-15, 17-25, 25-22, 24-26, 15-5.

Muling maghaharap ang dalawang koponan sa Linggo.

Sa nalalapit na faceoff, matinding panalangin ang ginawa ng netizens para agad na gumaling ang injury ni Alyssa at makapaglaro ito.JC