Netizens nagulat sa desisyon nina Mikael at Megan pagdating sa pag-aanak

Netizens nagulat sa desisyon nina Mikael at Megan pagdating sa pag-aanak

September 22, 2022 @ 10:05 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Marami ang nagulat sa revelation ng mag-asawang Mikael Daez at Megan Young.

Inamin lang naman kasi ng celebrity couple na ayos lang sa kanila kahit wala or hindi sila magka-anak.

Hindi kasi maikakaila na ilang ulit na ring natatanong ang beauty queen/model kung kailan nito planong mag-baby, at finally sinagot na niya ang most asked question sa kanya.

Matatandaang last year, ang sagot ng dalawa ay mas focused muna sila sa relasyon bilang mag-asawa pero ngayon, medyo nag-iba.

“If we’ll have kids, then we’ll have kids. If we don’t, we don’t,” said Megan in a podcast with her husband.

Suportado naman din ni Mikael kung ano’ng desisyon ni Megan lalo’t siya naman ang magdadala ng bata sa sinapupunan niya.

Hmmm. Hati naman ang reaction ng netizens tungkol dito. May sang-ayon at may ilan din namang dismayado.

Saan ka dito? Paula Jonabelle Ignacio