NETIZENS PINAIYAK NI PANELO 

NETIZENS PINAIYAK NI PANELO 

April 22, 2022 @ 1:06 PM 2 months ago


INILABAS na ng Viva Records noong Easter Sunday (Abril 17) ang official music video ni Sal Panelo na kanyang version ng “Sana’y Wala Nang Wakas”.

Matatandaang umingay muli ang kanta dahil pinuna ni Sharon Cuneta si Panelo nang kantahin niya ito sa isang campaign event para kay Davao City Mayor Sara Duterte. Ipinaliwanag naman ni Panelo na inaawit niya ito dahil naaalala niya sa kanta ang pagmamahal niya sa kanyang yumaong anak na si Carlo na may Down Syndrome.

Ayon sa video, handog ito ni Panelo sa mga batang may kapansanan o children with disability (CWD) at ang kanilang mga malabayaning magulang at guardian.

Tampok sa music video ang pag-awit ni Panelo, kasama ang mga larawan ng CWDs at mga magulang nila.

Sa isang statement, sinabi ni Panelo na tumatakbong senador sa ilalim ng PDP Laban na angkop ang mga kataga ng kanta sa walang pasubaling pagmamahal ng magulang sa anak, lalo na sa anak na CWD.

Inulan ng papuri si Panelo ng netizens sa kanyang post ng music video sa Facebook. Marami ang nagsabi na naiyak sila sa pag-awit at sa bagong mensahe ng kanta na ipinahiwatig ni Panelo.

Sabi ni Aning Maningo: “I’ve heard this song many times but didn’t cry until you sang it with so much love and dedication. Thank You Sir, and to all the parents and Children with special needs. God loves you more than you’ll ever know.”

“You made us cry, sir! Napakabagay ng song to express our unconditional love to our special children!” comment ni Kiko Jose, na napabilang ang picture kasama ang kanyang anak sa music video.

“You, sir, gave a new meaning to the song. Thank you. As someone who’s sister has Autism, this song hit me hard, grabe makahilak sad gyud,” sabi ni Mae Ouano.

Sabi naman ni Len Angelou Go: “Beautiful cover from Sec. Panelo, very touching and makes me cry… i felt the love in every lyrics…dedicated to all children who have special needs… pinakamagandang rendition ever ng “Sana’y wala nang wakas.”

Kasama sa plataporma ni Panelo sa Senado ang pagbibigay- pansin sa CWDs. Itinutulak niya ang pagkakaroon ng libreng special education at therapy para sa CWDs, at pagtatayo ng mga nursing home para sa naulila o naabandona na CWDs.