Nets coach Steve Nash sinibak sa pwesto

Nets coach Steve Nash sinibak sa pwesto

November 2, 2022 @ 9:19 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinibak na ng Brooklyn Nets ang kanilang head coach na si Steve Nash dahil sa hindi magandang performance ng koponan sa pagbubukas ng bagong NBA season.

Nalagay sa alanganin ang kanyang posisyon ng  talunin sila ng Indiana Pacers sa kanilang sariling court 125-116.

Sa ngayon, hawak ng Nets ang dalawang panalo at limang talo at nasa pang-12 puwesto sa Eastern Conference.

Ayon kay Nets general manager Sean Marks,  ang desisyon ay napagpasyahan ng mga matataas na opisyal ng koponan.

Sa isang interview, agad na pinasalamatan ni Nets owner Joe Tsai ang Canadian coach dahil sa kontribusyon nito sa koponan.

Matatandaang kinuha ng Nets ang 48-anyos na si Nash bilang head coach noong Setyembre 2020.

Una ng nagdelikado ang pwesto ni Nash nang ma-sweep sila ng Boston Celtics 4-0 sa unang round ng playoffs noong nakaraang season.

Si Nash ay isang NBA Hall-of-Famer at two-time NBA Most Valuable Player.

Nagpasalamat din si Nash sa pamunuan ng Nets dahil sa pagkuha at pagbibigay ng tiwala sa kanya para maging coach.JC