Nets hiniya ni Williamson, Pelican sa homecourt, 130-108

Nets hiniya ni Williamson, Pelican sa homecourt, 130-108

October 20, 2022 @ 11:27 AM 1 month ago


NEW YORK – Hindi umubra ang Brooklyn Nets sa lakas ni Zion Williamson at ng New Orleans Pelicans, 130-108, sa una nilang paghaharap sa New York sa pagbubukas ng NBA nitong Huwebes ng umaga (oras sa Manila).

Kumamada si Zion, nagbabalik sa Pelicans matapos magpagaling ng injury ng halos isang taon, ng 25 puntos at siyam na rebounds sa naging panalo kontra mabangis na Nets na pinangungunahan ni Kevin Durant at Kyrie Irving.

Matatandaang hindi na nakapaglaro ang No. 1 pick sa 2019 draft nang mabali ang kanang paa nito subalit nadala muna niya sa Western conference playoff ang Pelican bago maoperahan.

Si Ben Simmons ay bumalik din sa aksyon pagkatapos ng isang season na hindi paglalaro pero kailangang niyang bantayan si Williamson dahilan para ma-foul siya sa 4th quarter na may 4 points, 5 rebounds, at 5 assists.

Umiskor si Brandon Ingram ng 28 puntos at si CJ McCollum ay may 21 para sa Pelicans, na nagtapos ng malakas noong nakaraang season at mahusay na nagbukas ngayong season. Si Jonas Valanciunas ay may 15 puntos at 13 rebounds.

Tumipa si Kevin Durant ng 32 puntos habang sina  Patty Mills at Kyrie Irving ay may 16 at 15 points, ayon sa pagkakasunod-sunod.JC