Nets star James Harden inaresto sa Paris

Nets star James Harden inaresto sa Paris

July 9, 2021 @ 11:28 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Inaresto si Brooklyn Nets guard James Harden ng French police matapos maaresto si rapper Lil Baby sa Paris bilang bahagi ng kanilang narcotics investigation.

Ayon sa ulat, hinuli si Harden ng police sa Paris kasunod din nang pag-aresto kay Dominique Armani Jones, aka Lil Baby.

Kasama ni Harden ang ilang sikat na celebrities sa isang Fashion Week. Hinuli lang si Harden pero hindi naman ikinulong ng mga pulis at agad ding pinalaya.

Sa isang video footage na kinuha ng isang nakasaksi, makikitang kinakapkapan ng pulis si Harden kasama ang isang pang lalaki.

Pinalabas ng mga pulis sian Harden at Jones sa sasakyan nang may magreport na nangangamoy marijuana ang sasakyan ng dalawa.

Pumasok umano sa lugar ang mga pulis bandang 4:50 pm upang gumawa ng follow up sa report  na may mga lalaking lumabas ng sasakyan na may umaalingasaw na marijuana na iligal sa France.JC