New album ng ITZY, namayagpag sa Billboard 200

New album ng ITZY, namayagpag sa Billboard 200

July 27, 2022 @ 3:12 PM 2 weeks ago


SEOUL, South Korea – Namayagpag sa Billboard 200 ang 5th mini album ng ITZY na ‘Checkmate’.

Ito ay makaraang umabot agad sa 8th spot ang naturang album sa Billboard 200 para sa linggong ito.

As of July 24, umabot na sa 33,000 album units ang nakamit ng ‘Checkmate’ na pawang mula sa mga album sales.

Matatandaan na nakamit rin ng mini album ng ITZY ang rekord nito na ‘highest first-week album sales’ para sa mga Kpop groups ayon sa Hanteo chart.

Sa kasalukuyan ay abala ang grupo sa promotion ng kanilang comeback title track na ‘Sneakers’. RNT/JGC