‘New flavor’ ng pastillas scam bubusisiin ng Senate panel

‘New flavor’ ng pastillas scam bubusisiin ng Senate panel

February 23, 2021 @ 4:28 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iimbestigahan ng Senate panel ang “new flavor” ng “pastillas scam” sa Bureau of Immigration kung saan nagbabayad umano ng P550,000 kada isa ang mga Chinese nationals para sa walang aberyang pagpasok sa bansa.

“Parang may loose thread pa na kailangan naming balikan at ibuhol tungkol dito sa pastillas dahil nag-evolve pa. Nag-mutate,” giit ni Senator Risa Hontiveros sa isang pranayama sa radyo.

“Kung dati P10,000 ngayon P550,000 na per head. Akala ko nga po Covid-19 lang ang nagmu-mutate, pati pastillas scam na rin pala, parang bagong flavor na ng pastillas,” dagdag ng senador.

Si Hontiveros din ang nanguna sa imbestigsyon sa pastilla scam kamakailan.

Samantala, tutol din ang senador sa visa upon arrival (VUA) para sa mga Chinese national.

Ang VUA ay programa ng Department of Tourism at Department of Justice na inilunsad noong 2017 upang makaakit ng mga Chinese na turista.

Nitong Enero ng nakaraang taon, sinuspinde ito ng Bureau of Immigration.

“Sa ngayon wala pa pong final announcement na totally ika-cancel, pero siguradong isasama po namin yan na rekomendasyon sa aming committee report,” ani Hontiveros.

Punto pa ng senador na pinapaburan ang mga Chinese sa pastillas scheme.

“Sila ang napapaburan. Para sa kanila rin dinedesign ang iba’t ibang mga scheme na ‘to whether ‘pastillas’ or VUA or ngayon na itong bagong mutation at flavor ng pastillas,” giit ni Hontiveros. RNT/ELM


  •  
  •  
  •