New lover ng gf, sinaksak ng ex-bf

New lover ng gf, sinaksak ng ex-bf

September 4, 2022 @ 5:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Arestado ang 25 anyos na factory worker matapos saksakin ang 36 anyos na welder na umanoy bagong iniibig ng dati niyang kasintahan sa bayan ng Marilao.

Kinilala ang suspek na si Ralph Carriedo Dagoy, residente ng Brgy. Sta. Rosa 1 habang ang biktima ay si Ronald Gracia Rulloda ng Brgy. Lambakin.

Sa report ng Marilao police, nangyari ang insidente bandang alas 12:50 ng madaling araw nitong Agosto 4 sa Brgy. Patubig.

Ayon sa report, naglalakad ang magkasintahang sina Ronald at Ayessa para bumili sa tindahan nang sundan ni Ralph hanggang sa makasagutan nila ito.

Dahil dito, nagpang-abot ang dalawa hanggang sa bumunot umano si Ralph ng patalim at inundayan sa kanang bahagi ng katawan si Ronald.

Nang humupa ay agad humingi nang saklolo ang mga residente dito sa mga tanod ng Brgy. Patubig kaya nahuli ang suspek at isinuko kalaunan sa pulisya.

Naisugod naman ng rumespondeng Marilao rescue team ang biktima sa Bulacan Medical Center para sa paunang lunas.

Sinasabing dating may love affair ang suspek at ang kasintahan ng biktima bago nangyari ang insidente.

Nahaharap ang suspek sa kasong Frustrated Homicide habang nakakulong sa naturang. Dick Mirasol III