New normal ngayong Abril, malabo pa – Concepcion

New normal ngayong Abril, malabo pa – Concepcion

March 28, 2022 @ 2:24 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Malabo pang ipatupad ang “new normal” ngayong Abril dahil sa mababang rate ng booster vaccination.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na habang ang National Capital Region at iba pang rehiyon sa bansa ay mayroong mataas na vaccination rate, lalo na sa primary doses, ang natitirang bahagi ng Pilipinas ay mayroong mababang booster vaccination rate, dahilan upang mahirapan na maikasa ang “new normal.”

“Yes, kasi ‘yung challenge natin ngayon—‘yung primary doses medyo walang problem diyan dito sa NCR (National Capital Region) at ibang lugar, tumataas pero malayo pa rin ang mga booster shots,” ani Concepcion, sabay sabing epektibo ang bakuna matapos ang anim na buwan.

“I was all for Alert Level Zero pero dapat mataas ‘yung percentage of boosting sa mga LGUs,” pagpapatuloy nito.

Kamakailan ay sinabi ng isang infectious disease expert na handa na ang Pilipinas para ipatupad ang Alert Level Zero.

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na tatalakayin ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang “metrics and elements” ng itinuturing na “more lenient alert level.”

Para sa Department of Health (DOH) ang health protocols partikular na ang paggamit o pagsusuot ng face mask ang huling babawiin ng gobyerno.

Base sa data ng DoH, tinatayang 65 milyong indibiduwal sa bansa ang fully vaccinated laban sa COVID-19 “as of March 20.”

Tinatayang 11.5 milyong indibiduwal naman ang nakatanggap na ng kanilang third o booster dose. Kris Jose