New Year airport fiasco dapat may managot – Zubiri

New Year airport fiasco dapat may managot – Zubiri

January 11, 2023 @ 5:59 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na dapat may managot sa problema ng airport at gustong marinig ang panig ng Civil Aviation Authority of the Philippines hinggil sa isyu.

Ito ang pahayag ni Zubiri nang tanungin hinggil na problema ng paliparan noong Bagong Taon kung saan maraming manlalakbay ang naapektuhan ang kanilang mga flights.

Aniya hindi siya papayag na walang magbabayad sa nangyaring kapalpakan ng CAAP dahil isang international embarassment ang nangyaring insidente.

Dapat itrato aniya na isang criminal investigation ang mangyayaring pagdinig sa senado dahil hindi katanggap-tanggap ang naging dahilan ng ahensya

Bagamat hindi pa siya makapagbigay ng direktang hatol, kailangan umanong malaman kung anong nangyari at kailangan malaman ang timeline ng pangyayari.

Binigyan-diin ng senador na hindi sapat ang dahilan na nagka problema lang.

Aniya, kailangan malaman sino ang pumalpak at pagbayaran ito.

Mensahe pa niya sa posibleng masagasaan sa kanilang nakatakdang imbestigasyon: “Pasensyahan na lang”. Jocelyn Tabangcura-Domenden