New York ‘di ‘dangerous city’ sa mga Pinoy-DFA

New York ‘di ‘dangerous city’ sa mga Pinoy-DFA

September 6, 2022 @ 7:25 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipinong naninirahan at bumi-byahe patungong New York City na hindi mapanganib ang nasabing lungsod.

Ang pahayag na ito ni DFA Acting Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Eduardo Jose de Vega ay pagkatig sa sinabi ni Philippine Consul General in New York Elmer Cato na walang dapat na ipangamba ang mga filipino kung napabalita man na may isang matandang pinay ang pinakabagong inatake at sinapak sa New York City.

“There is, therefore, no cause for alarm, but Filipinos living in or traveling to New York must remain vigilant and exercise situational awareness, as in any other big city,” ani de Vega.

Araw ng Martes, sinabi ni Cato na ang situwasyon sa New York City ay hindi “reached the point where it has actually become a dangerous place which Filipinos should avoid.”

“Incidents such as those that have been taking place in the past year and a half have been happening for the longest time and have involved not only Filipinos but also people of other races. Cases of violence and other criminal acts also take place in other cities around the world,” anito.

Bagama’t hindi naman sadya na targetin ang mga Pinoy, sinabi ni Cato na ang mga isolated incidents laban sa mga Filipino ay tumataas.

“As such, Filipinos need to be vigilant and situationally aware when in New York,” aniya pa rin.

Noong nakaraang linggo, napaulat na may Isang matandang pinay ang pinakabagong inatake sa New York City.

Sa isang pahayag ng Philippine Consulate General sa New York, naglalakad lamang ang 74 anyos na babae sa kahabaan ng Madison avenue ng bigla siyang sinuntok.

Tumakas naman ang suspek at hindi pa nahuhuli.

Sa ibinahaging video clip ni Gen. Elmer Cato, makikita na ang matandang ginang ay bumulagta sa lupa at nangyari ito sa kasikatan ng araw.

Matatandaan na ang pag- atake sa mga asyano, Asian-American at Pacific Islanders ay lumaganap noong magsimula ang pandemya.

Kaya naman nanawagan sa US government ang mga ganitong klaseng kaso dahil sa tumataas na bilang ng hate crime sa bansa. Kris Jose